Monday, August 29, 2011

Minsan May Isang Epal


Sadyang may mga taong epal. Kadalasan hindi mo maintindihan kung bakit, pero minsan pwede mo namang isiping baka may sakit. O baka may problema. Pagbigyan mo na. Baka nga meron kang mga kaibigan o kabarkada pa na minsan ay nakakairita. Pero it's okay, basta ba attitude n'ya hindi forever waley.

Pero minsan may isang epal. Alam ko kung bakit. Pero kadalasan gusto ko nalang magkunwaring "I know nothing about it", kunwari wala akong alam, kunwari wala akong naintindihan. Pero ano't grabehan ang taglay na ka-epalan? Tila lumelebel sa ka-bitteran. Hindi ko kinikeri, talaga namang nakakalurkey!

Wag na nating ipagpilitan. Ang nakaraan ay nakaraan. Pwede namang maging happy nalang para sa iba, no need to declare yourself the bida. Ang akin lang naman ay payong pangkaibigan. You can put your hands down, kung kilala ka naman na sa town.

Ako'y taong tahimik, di mahilig umimik. Ayokong naiinis pero minsan may isang epal kaya nakawala ang salitang "put'ris!" Kaya tama na please, kapayapaan ang ating nais.

Kalimutan na ang pait, bitiwan na ang sakit. Hold it. And stop it.


No comments:

Post a Comment